Wednesday, January 30, 2013

Tanawin sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay sagana mga sa Likas na Yaman katulad ng mga magagandang tanawin, kaya masasabing mapalad tayong mga Pilipino. Na kung minsan, tayo mismo ay dayuhan sa sarili nating bansa. May mga Pilipinong nalilibot na ang iba't-ibang parte ng mundo, samantalang di pa rin nakakarating sa ibang lugar sa ating bansa.

Maraming lugar sa ating bansa ang nais  kong marating, isa na rito ang mga lugar sa Luzon, tulad ng Cayagan, Batanes,  Palawan, Ilocos at ibp. Napakaraming magagandang tanawin  na makikita dito tulad ng windmill sa Batanes. Kung titingnan natin para tayong nasa ibang bansa, di ba.Isa pa sa kamangha-manghang tanawin ay ang hagdan-hagdang palayan na makikita sa Benguet. Tunay na kamangha-mangha ang ating bansa, sapagkakaroon ng "Chocolate Hills". Kaya maraming dayuhan ang nahahalina sa ating bansa. Di ba higit tayong mapalad? Kaya dapat nating ipagmalaki ang ating bansa!!!




No comments:

Post a Comment